Sunday, March 16, 2014

Buhay Kalye

Kagabi habang nasa plaza kami ng kaibigan kong si jelliemae sa may foodtripan may lumapit samin na dalawang bata na gusgusin at halatang salat sa yaman humihingi sila ng kaunting barya .
bata: kuya ate palimos po pangkain lang namin.
jelliemae: o eto tig 10 pesos kayo.
Habang tinititigan ko ang dalawang bata naalala ko ung project ng mga kasection ko na gumawa ng video documentary tungkol sa mga batang kalye at sila nga yung mga nasa documentaryo napaisip ako hanggang ngayon pala ganun parin ang buhay nila may trabaho ang tatay nila kaso walang pakialam sa kanila kaya para may panlaman tiyan ang magkapatid palagi sila sa plaza upang mamalimos minsan pa nga dun na sila natutulog sa  park. Sana naman sa mga mabubuting tao na nakakabasa nito ay hindi titigil na tumulong sa mga kagaya nila na pinapabayaan ng mga magulang. Sabi nga ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Realonda "ang kabataan ay pagasa ng bayan" malay natin pag nakapagaral ang mga batang ito ay magiging kapakipakinabang sila sa lipunan. 

1 comment:

  1. Thank you for sharing this its good to see that there are still good people in this planet.

    buhay kalye sports ph

    ReplyDelete

Comment your suggestion for improving this blog